-- Advertisements --

Bigo sa unang round ng Internationaux de Strasbourg ang Filipina tennis star na si Alex Eala matapos talunin ni Ukrainian qualifier Oleksandra Oliynykova, 6-3, 5-7, 3-6.

Sa ilalim ng 16-degree cloudy conditions sa Centre Court, nagsimula si Eala nang maayos at nakuha ang unang set matapos ipakita ang determinasyon, kabilang ang isang matagumpay na dropshot winner.

Naitala niya ang unang set, 6-3, sa kabila ng komplikadong estilo ni Oliynykova na puno ng looping shots, slices, at drop shots.

Ngunit sa ikalawang set, nakabawi si Oliynykova at pinilit si Eala na gumawa ng errors, dahilan upang mapunta ang set sa Ukrainian, 7-5.

Sa deciding third set, nagpakita si Eala ng determinasyon, nagpakitang-gilas sa mahahabang rallies at mahihirap na shot-making, kabilang ang short-angle forehand at swinging volley winners.

Gayunpaman, nakontrol ni Oliynykova ang laro sa huling bahagi ng set at nagwagi, 6-3, upang tuluyang manalo sa unang round.