-- Advertisements --

Inihayag ni Senator Robin Padilla na wala na siya umanong planong tumakbo muli sa politika dahil nais niyang ituon ang panahon sa kanyang maliliit na anak at sa isang tahimik na buhay.

Samantala, inihayag naman ng Senador ang ilang personalidad na nais niyang maging katandem ni Vice President Sara Duterte sa 2028 National and Local Elections bilang kanyang magiging bise presidente, kabilang sina Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Imee Marcos, Sen. Bong Go, Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Sen. Rodante Marcoleta, at Salvador Panelo.

Matatandaan kasing nauna nang inihayag ni Vice President Sara Duterte ang kanyang planong pagtakbo sa pagka-pangulo sa taong 2028.

Ayon kay Padilla, marami ang nag-aanyaya sa kanyang manatili sa politika, ngunit ayon sa sa Senador, hindi na umano siya nababagay sa mundo ng pulitika.

“Maraming salamat po sa napakaraming kaibigan na nagtutulak sa aking pananatili sa pulitika, pero halata naman po na hindi ako nababagay sa mundong ito.” Ani Senator Robin Padilla.