-- Advertisements --

Apektado ang mga byahero matapos bumagsak ang isang tulay sa Purok 2, Callawa, Davao City.

Nabatid na gumuho ito matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig bunsod ng pagbaha nitong gabi ng Mayo 18, 2026.

Ayon sa video na nakunan ni Ronel Coranes, makikita ang pinsala matapos ang insidente, habang patuloy na nakakaranas ng malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng lungsod.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa ng beripikasyon at assessment ang mga otoridad upang matukoy ang lawak ng pinsala at ang mga susunod na hakbang para sa rehabilitasyon ng nasirang tulay.

Hinahanapan na ng lokal na pamahalaan ng alternatibong daan ang mga naabalang motorista dahil sa pangyayari.