-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 100 ang nasawi at higit 390 ang pinaghihinalaang may kaso ng Ebola sa Democratic Republic of Congo (DRC), ayon sa Africa Centres for Disease Control and Prevention.

Naitala na rin ang virus sa Uganda, kung saan may dalawang kumpirmadong kaso at isang namatay.

Kabilang sa mga kumpirmadong nahawaan ang isang Amerikanong doktor sa DRC, na idadaan sa Germany para sa kaukulang kamutan.

Iniulat din na ilang Amerikano ang posibleng na-expose sa virus na kasalukuyang tinutulungan ng pamahalaan ng Estados Unidos.

Nauna nang idineklara ng World Health Organization (WHO) ang outbreak bilang public health emergency of international concern ngunit malayo na maging pandemic, ngunit ibinabala ang mahigpit na pagsunod sa mga patakaran, lalo na sa pag-lilibing ng mga nasawi dahil sa mataas ang panganib na kumalat ang virus.

Nagpatupad na rin ng border screening ang mga kalapit-bansa gaya ng Rwanda at Nigeria bilang hakbang sa pag-iwas sa virus.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), mababa ang panganib nito sa Amerika ngunit kanilang minomonitor ang mga biyahero mula sa apektadong lugar na dumarating sa U.S.

Bukod dito naglabas din ang Estados Unidos ng Level 4 travel advisory, ang pinakamataas na babala laban sa pagpunta sa DRC.

Sa kasalukuyan, wala pang aprubadong gamot o bakuna laban sa Bundibugyo strain ng Ebola, kaya’t nananawagan ang Africa CDC at WHO sa publiko na sundin ang mga protocol at palakasin ang surveillance sa komunidad upang mapigilan ang pagkalat ng virus.