-- Advertisements --

Opisyal ng nagsumite ang Ukraine ng aplikasyon para umanib sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) ilang oras matapos na ianunsiyo ni Russian President Vladimir Putin sa isinagawang seremonyas sa Kremlin ang annexation sa apat na teritoryo nito.

Sa isang speech na ibinahagi ni President Volodomyr Zelensky na kaniyang ginawa ang “decisive step” na ito ay para protektahan ang buong komunidad ng mga Ukrainian.

Nangako si Zelensky na mangyayari ang aplikasyon sa mabilis na paraan.

Una rito, nilagdaan ni Zelensky ang isang application form kasama sina parliament speaker Ruslan Stefanchuk, at Prime Minister Denys Shmyhal.

Samantala, hindi naman kinikilala ni Zelensky ang seremonya sa Moscow sa pagdedeklara ng annexation sa apat na teritoryo na Lugnask, Donetsk, Kherson, at Zaporizhzhia.

Sa panig naman ng NATO, sinabi ni Secretary General Jens Stoltenberg na suportado ng mga member states ang karapatang pumili ng Ukraine ng sarili nitong landas.

Nagbabala din na ang anumang desisyon sa pagiging kasapi ng Ukraine ay dapat gawin ng lahat ng 30 miyembro ng NATO.