Naglunsad ang Ukraine ng malawakang pag-atake sa Russia.
Ayon sa Russian Army, na nasa mahigit 140 na drones ang pinakawalang Ukraine para atakihin ang St. Petersburg.
Isinagawa ang pag-atake habang nagaganap ang huling araw ng annual economic forum sa Russia.
Sa unang pagkakataon mula ng magsimula ang giyera ng mahigit apat na taon ay pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na manatili lamang sa kanilang bahay.
Nagresulta rin ng malawakang sunog ang nasabing pag-atake sa isang military facility ng Russia.
Sinabi naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na kanilang tinarget lamang ang mga arsenals at naval base ng Russia kung saan tinawag lamang nila ang mga ito bilang kasagutan sa ginawang pag-atake ng Russia.
Ipinagmalaki pa ni Zelensky na kanilang natamaan din ang oil depot ng Russia na matatagpuan sa Krasnodar region.
















