-- Advertisements --
Nagsagawa ng malawakang drone strike ang Ukraine laban sa Russia.
Tinarget nila ang Sredniy, Siberia, kung saan mahigit 40 na Russian bomber planes ang tinamaan.
Tinawag ng Ukraine ang operasyon bilang “Operation: Spider Web” kung saan ito ay mahigit isang taon na naiplano.
Mismong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang nag-utos sa kanilang military na isagawa ang pag-atake at gumamit sila ng 117 na drones.
Ipinagmalaki pa nito na nasa 34 percent ng mga cruise missiles ng Russia ang tinamaan sa kanilang operations.
Magugunitang makailang ulit ng nagsagawa ng pag-uusap ang Russia at Ukraine subalit nagmatigas pa rin si Russian President Vladimir Putin na hindi ito tatalima hanggang hindi pinagbigyan ang kaniyang kondisyon.