Sinuspendi ng United Kingdom ang pamamahagi ng intelligence sa US tungkol sa nagaganap na drug trafficking vessels sa Caribbean.
Ito ay dahil naniniwala sila na ang ginagawang pag-atake ng US ay iligal.
Ang desisyon na ito ng UK ay nangangahulugan ng malaking sampal sa kanilang kaalyado at intelligence sharing partner matapos na marami ang kumukuwestyon sa legalidad ng kampanya ng US military sa Latin America.
Sa mga nagdaang taon ay kontrolado ng UK ang ilang teritoryo sa Caribbean kung saan ang kanilang mga military bases intelligences assets ay nakakatulong sa US para malaman ang mga bangka na nagdadala ng droga.
Ang mga impormasyon ay agad na ipinapadala sa Joint Interagency Task Force South na nakahimpil sa Florida.
Magugunitang tinawag ng United Nations na ang ginagawang airstrikes ng US sa mga bangka ay iligal at hindi makatarungan.
















