Inanunsiyo ng United Kingdom ang kanilang targeted sanctions laban sa mga Israeli settlers groups at ang pagsuspendi ng trade deal negotations sa Israel.
Ang nasabing hakbang ay matapos ang pagharang at hindi pagpayag ng Israel na makapasok sa Gaza ang mga humanitarian aid.
Pinuri naman ng mga Righst groups ng UK ang nasabing desisyon kung saan marapat na sumunod na rin ang pagtatapos ng paglipat ng mga armas.
Bumuwelta naman ang Israeli government sa desisyon na ito ng UK.
Ayon sa Israel na tila sinasaktan lamang ng UK ang sarili nilang ekonomiya dahil sa “anti-Israel obsession” at ang “domestic political consideration”.
Magugunitang ikinabahala ng United Kingdom ang hindi pagpapsaok sa kanila ng Israel dahil sa pagdami na ng mga masasawi bunsod ng kawalan ng pagkain ang mga gamot.