-- Advertisements --

Nasa mahigit 350 million na bakuna na ang pinareserba ng United Kingdom.

Binubuo ito ng 60 million na doses mula sa US biotech firm na Novavax habang ang 30 million na doses ay mula sa Janssen pharmaceuticals ng Johnson and Johnson.

Sinabi ni Kate Bingham ang namumuno sa UK Vaccines Task Force, kahit na hindi pa nila matiyak na epektibo ang nasabing bakuna ay nag-order pa rin sila.

Magugunitang magsasagawa na ng third phase ng vaccine trials na suportado ng Britain’s National Institute ofr Health Research ang nabanggit na pharma company.