-- Advertisements --

Handang magbigay ng kanilang mga sundalo ang United Kingdom at France sa Ukraine kapag sinimulan na ang peace-deal sa Russia.

Ito ang naging pahayag nina British Prime Minister Keir Starmer at French President Emmanuel Macron sa pulong kasama si Ukriane President Volodymyr Zelensky.

Pumirma sila ng kasunduan para magtayo ng military hubs sa Ukraine kung sakaling magkaroon na ng ceasefire.

Ang hakbang ay bilang matiyak na susunod ang Russia sa ceasefire at hindi na aatikihin ang Ukraine.

Magugunitang isinusulong ng US ang peacedeal para tuluyan ng matapos ang mahigit tatlong taon na kaguluhan.