-- Advertisements --

Binigyan na ng kaniyang mga doctor ng go-signal para lumaban si UFC star Corey Anderson.

Ito ay matapos na magtamo ng matinding sugat sa mukha dahil sa aksidente noong Pebrero.

Naganap ang insidente halos isang linggo ng matalo ito sa kamay ni Jan Blachowicz sa UFC fight night.

Matapos ang pananatili sa pagamutan ay nagkaroon na ng magandang development sa sakit nito at maaari ng makalaban ang ranked number 4 light heavyweight champion.

Sinasabing nawalan ito ng malay matapos ang hindi pagkain at pag-inom ng tubig ng ilang oras ng ito ay maglakad sa makahoy na lugar.

Mayroong record ang 30-anyos na si Anderson na 13 panalo at 5 talo.