-- Advertisements --
Sinimulan na ng White House ang pagtatayo UFC fighting cage sa South Lawn.
Magaganap kasi doon ang laban kasabay ng ika-250 taon ng American independence.
Base sa desenyo ay itatayo ang isang octagon-shaped ring na napapaligiran ng mga wire-mesh fence at ilang libong mga upuan.
Una ng sinabi ni US President Donald Trump na ito na nag pinakamalaking kaganapan na isinagawa ng UFC dahil ito ay gaganapin sa harap mismo ng White House.
Tinagurian itong UFC Freedom 250 na magaganap sa Hunyo 14.
Gumastos ang UFC nito na aabot ng $60 milyon para sa proyekto.
















