-- Advertisements --
Tuluyan nang nakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong may international name na Haishen.
Dahil dito, binigyan na ng Pagasa ng local name ang naturang sama ng panahon bilang typhoon Kristine, na siyang ika-11 sama ng panahong pumasok o nabuo sa PAR ngayong 2020.
Huling namataan ang naturang bagyo sa layong 1,200 kilometro sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging 165 kph at may pagbugsong 205 kph.
Ang bagyong Kristine ay kumikilos nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, umiiral pa rin ang habagat sa hilagang bahagi ng Luzon.