-- Advertisements --
Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang karagdagang P40 bilyong halaga ng pondo na kanilang matatanggap mula sa panukalang budget para sa taong 2026.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang naturang pondo ay gagamitin para sa nagpapatuloy na modernisasyon sa kanilang organisasyon.
Ang karagdagang budget na ito ay isang malinaw na hakbang rin ng pamahalaan para sa patuloy na pagprotekta ng soberaniya sa nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Samantala, sa pamamagitan din ng pondo na ito, mapapatibay ang suporta sa sandatahang lakas at pagpapalakas rin ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).