Ibinunyag ng dating TV personality na si Cesca Litton na ito ay may nakikipaglaban sa cancer.
Sa social media account nito ay ibinahagi nito ang ilang larawang habang sumasailalim sa chemotherapy.
Dagdag pa nito na na-diagnosed ito ng nasabing noong Disyembre na tinawag niyang isang huling surpresa ng 2024.
Dagdag pa nito na noong Disyembre kasi ay magkakasunod ang ginawa niyang laboratory test at consultation hanggang lumabas ang resulta ng biopsy at nakumpirmang ito ay dahil sa cancer.
Nais pa nitong maging tahimik subalit wala rin punto lalo na at patuloy ang paglagas ng buhok kaya minabuti nitong tuluyan na itong ahitin.
Mulanoon ay nagsimula na itong mag-kolekta ng scarves at turbans na kaniyang ginagamit pantakip sa buhok.
Pinasalamatan naman nito ang mga tao na sumuporta sa kaniyang breast cancer journey.
Nagpaabot naman ng kanilang pagdarasal para sa mabilis nito ng paggaling ang mga kapwa showbiz personalities nito.