KALIBO, Aklan – Agaw-atensyon ang isang babaeng turista dahil sa kanyang suot na bikini strip sa isla ng Boracay.

Marami ang napanganga dahil halos hubo’t hubad na siya sa maliit na telang nakatakip sa mga maselang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi rin niya pansin ang mga taong kumukuha ng litrato sa kanya at kahit siya ay nagawa pang mag-selfie sa harap ng maraming tao.

Samantala, dismayado ang ilang turista at residente sa nag-viral na litrato, kung saan, sinabi ng ilan na dapat may limit rin ang pagsusuot ng swimwear sa Boracay dahil hindi ito exclusive na isla at marami ang pumapasok na turista.

Sa kasalukuyan ay hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing turista.