-- Advertisements --
Itinanggi ng actress na si Janine Gutierrez ang usapin na ‘engaged’ na sila ng nobyong si Jericho Rosales.
Kasunod ito sa pagkalat ng larawan ng isang bangka sa Boracay na may nakasulat na “Janine Gutierrez said Yes” noong Abril 9, 2025.
Giit ng actress na ang nasabing larawan ay mula sa isang health insurance company kung saan kinuha siyang ambassador.
Una ng sinabi ng actor na nais nilang maging pribado ang relasyon ni Janine kaya madalang silang makita sa publiko.