-- Advertisements --
Nagsagawa ng ‘hard-launch’ si Sarah Lahbati s bago nitong nobyo.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan at video kasama ang isang lalaki.
Isinabay nito ang pagpost sa kaniyang ika-33 na kaarawan.
Makikita pa na kinantahan pa siya ng lalaki ng “Happy Birthday” habang sila ay nasa restaurant.
Hindi naman binanggit ng aktres ang pangalan ng lalaki subalit may ilang fans nila ang nagpost ng pangala ng lalaki na si Mikhail Schemm na isang Chief Executive Officer ng isang music event company.
Magugunitang taong 2023 ng kinumpirma ni Sarah na hiwalay na ito sa asawang si Richard Gutierrez.















