KALIBO, Aklan—Nananatiling masigla ang sektor ng turismo sa isla ng Boracay sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nagdulot sa pagtaas din ng presyo sa operasyon ng mga accommodation establishment upang mapanatiling nakatayo ang kanilang negosyo.
Sa katunayan ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay-Boracay Tourism Office, mula noong buwan ng Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon ay naging positibo ang tourist arrival kung ikumpara noong nakaraang taon ng 2025.
Noong buwan ng Marso ay tumaas ng 17% ang tourist arrival na nakatala ng kabuuang 200,165 tourist.
Sa nasabing bilang, nanguna ang mga lokal na turista na may 164,922 o mahigit sa 82% ng kabuuang tourist arrival.
Ang mga dayuhang bisita ay umaabot sa 32,925 habang ang mga overseas Filipino travellers ay nasa 2,318.
Ipinapakita sa nasabing datos na patuloy na nakadepende ang Boracay sa lokal na turismo gayundin nananatiling mababa ang bilang ng mga international tourist na posibleng isa sa mga dahilan ay ang Middle East tension dahil sa pagtaas ng gastos sa kanilang pagtravel.
Ang Boracay ay isa sa mga nangungunang beach destination sa bansa ay patuloy na tinataguyod sa pamamagitan ng mga kampanya at tourism service, lalo na ngayong peak summer season.















