-- Advertisements --
Umapela ng tulong ang aktor na si Jericho Rosales sa publiko na tulungan silang hanapin ang kaniyang nakakabatang kapatid na si Jermiah.
Mula pa noong Hunyo 20 ay hindi na nakita ang dating aktor at model.
Sa social media post ng partner ni Jeremiah na si Jhen Go, ay nanawagan ito ng tulong para agad na makita ang aktor.
Huling nakita ito sa Maia Alta Subdivision habang lulan ng kaniyang motorsiklo.
Ang nasabing aktor ay kakalabas lamang sa rehabilitation noong nakaraang taon dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Sa araw ng kaniyang pagkawala ay nakatakda sana itong muling ipasok sa rehabilitation facility subalit ito ay biglang nawala.
Inamin din ni Go na noong araw na bago siya nawala ay nagkaroon silang ng alitan.
















