-- Advertisements --

Pansamantalang sinuspinde ng local na pamahalaan ng Davao Oriental ang operasyon ng mga establisyimento sa mga coastal areas ng lalawigan bunsod sa naging pagtama ng dalawang magkasunod na lindol sa lalawigan.

Ayon kay Davao Oriental Gov. Nelson Dayanghirang, sinuspinde ang mga operasyon nito bilang pagiingat sa mga posibleng maging epekto ng aftershocks na sa ngayon ay patuloy na nararamdaman sa lalawigan.

Aniya, tsaka lamang manunumbalik ang mga operasyon ng turismo sa lugar kapag nasiguro na ang kaligtasan sa mga coastal areas na ito, at kung makakapagisyu na ang munisipalidad ng Davao Oriental ng certification of structural integrity and safety clearance sa kanilang mga gusali.

Samantala, kung skaaling lumabag ang mga establisyimentong ito sa naturang panukala, maaaring makatanggap ng mga administrative sanctions gaya ng temporary closure at posibleng pagpapawalang bisa ng kanilang mga permit to operate.