-- Advertisements --

Inirereklamo ng mga taga-Calumpit, Bulacan ang mga ghost flood control project na nadiskubre sa kanilang lugar, sa kabila ng patuloy nilang pagdurusa sa baha.

Ayon kay Mayor Glorime “Lem” Faustino, masakit sa kalooban na may mga proyektong pang-control sa baha na hindi naman aktwal na naipatupad.

Bukod sa mga “guni-guning” proyekto, may mga nasimulan ding flood control projects na tila hindi natapos o napabayaan.

Napansin ng lokal na pamahalaan na butas-butas at hindi maayos ang mga kailugan, kaya’t hindi matukoy kung ang proyekto ay ghost o sadyang hindi tinapos.

Hiniling ni Faustino ang mas mahigpit na koordinasyon ng DPWH sa LGU upang masiguro ang transparency at pagbabantay ng mamamayan sa mga proyekto.