Lumalabo na umano ang tsansa na ipagpatuloy pa ang 2019-20 season ng NBA dahil sa lumalalang krisis sa coronavirus pandemic.
Ayon kay Brian Windhorst ng ESPN, nawawalan na raw ng pag-asa ang mga NBA owners tungkol sa posibilidad na matutuloy pa ang mga laro ngayong season.
Sa ngayon umano ay tinatalakay na ng liga at ng NBPA ang posibleng magiging kasunduan upang tapusin na ang season sa pormal na pamamaraan.
Matatandaang sinuspinde ng NBA ang season noong Marso 11 nang magpositibo sa COVID-19 si All-Star center Rudy Gobert.
Sinusundan din aniya ng liga ang paggalaw sa Chinese Basketball Association, na nag-shut down nitong unang bahagi ng taon.
Ngunit nitong Huwebes, tinuldukan na ng Chinese government ang posibilidad na ituloy muli ang mga laro. (Reuters)