Itinuturing ni US President Donald Trump na naging mabunga ang pag-uusap nina Russian President Vladimir Putin at kaniyang ambassador na si Steve Witkoff.
Nasa Moscow si Witkoff para hikayatin si Putin na tumugon sa ceasefire na isinusulong ng US at matigil na ang labanan nila sa Ukraine.
Ang nasabing pagkikita ay kasunod ng nalalapit na deadline na ibinigay ni Trump sa Russia na sumang-ayon sa ceasefire at kapag hindi ito mangyari ay papatawan niya ng mas mabigat na sanctions.
Nakausap din ni Trump ang ilang mga kaalyadong bansa sa Europa kung saan naniniwala sila na dapat ay matigil na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Magugunitang binanataan ni Trump ang Russia na kanilang papatawan ng mataas na taripa at mabigat na sanctions ang mga produkto nila.