-- Advertisements --

Naniniwala si US President Donald Trump na mababawi ng Ukraine ang lahat ng terirtoryo nitong nakubkob ng Russia.

Itinuturing naman ito bilang isang dramatikong pagbabago mula sa paulit-ulit na panawagan ng US President sa Ukraine na magparaya ng teritoryo nito sa Russia para mawaksan ang giyera.

Sa kaniyang online post matapos ang pulong niya kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa sidelines ng UN General Assembly ng world leaders, sinabi ni Trump na sa pamamagitan ng pinansiyal na suporta ng European Union, partikular na ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), kaya ng Ukraine na maibalik sa dati ang borders nito gaya noong wala pang giyera.

Tinawag naman ni Zelensky si Trump bilang isang “game changer” matapos ang kanilang pagpupulong.

Muli namang iginiit ni Trump na kaniyang agad na wawaksan ang giyera at bukas na magpatupad ng mas marami pang sanctions sa Russia at hinikayat ang mga Europe na makiisa.

Sa kasalukuyan, kontrolado ng Russia ang halos 114,500 square km (44,600 square miles), o 19% ng Ukraine, kabilang ang Crimea, na ginawang annex ng Russia noong 2014 at ang apat na regions ng Ukraine kabilang ang Donetsk, Kherson, Luhansk at Zaporizhzhia oblasts.