-- Advertisements --

Nakatakdang humarap sa korte ng Amerika si Venezuelan President Nicolas Maduro matapos maaresto, ayon kay US Attorney General Pam Bondi sa kaniyang social media post nitong umaga ng Sabado, Enero 3, 2026.

Tinukoy ni Bondi ang indictment laban kay Maduro na kinasuhan ng “Narco-Terrorism Conspiracy, Cocaine Importation Conspiracy, Possession of Machineguns and Destructive Devices, and Conspiracy to Possess Machineguns and Destructive Devices against the United States.”

Kinasuhan si Maduro ng Southern District of New York noong 2020 subalit hindi pa malinaw sa ngayon ang eksaktong kinaroroonan ng Venezuelan President.

Pinasalamatan naman ng US Attorney General si US President Donald Trump at US military, na nagsagawa ng aniya’y nakakamangha at matagumpay na misyon para hulihin ang umano’y dalawang international narco traffickers.

Una nang inanunsiyo ni Trump nitong umaga ng Sabado, oras sa Amerika, na naaresto na si Maduro kasama si First Lady Cilia Flores matapos ang inilunsad na large-scale strikes ng US military sa Venezuela.