Nagbabala si Pangulong Donald Trump na tatargetin ng Estados Unidos ang mga tulay at planta ng kuryente sa Iran kung magpapatuloy ang mga pag-atake sa Strait of Hormuz.
Ayon sa kanya, anumang uri ng pag-atake sa mga barko—mula missile, rocket, drone, o iba pang armas—ay susundan ng agarang tugon militar. Kasabay nito, iniulat ng Iran na nag-activate ang kanilang air defense systems matapos ang sunod-sunod na opensiba ng US sa loob ng labing-isang gabi.
Nakapagtala ng mga pagsabog sa Tehran, Tabriz, Chabahar, Konarak, at Bushehr, kung saan matatagpuan ang tanging nuclear power plant ng bansa. Dahil sa tensyon, tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado na umabot sa $94 kada bariles.
Nagbabala rin ang Iran na walang imprastruktura ang magiging ligtas kung hindi matitiyak ang kanilang seguridad.
Samantala, sinabi ng US na bukas pa rin ito sa diplomasya ngunit duda sa sinseridad ng Iran sa negosasyon.
Patuloy namang nagbabala si Trump laban sa mga rebeldeng Houthi sa Yemen na nagbanta ring harangin ang mga pantalan ng Saudi Arabia. (report by Bombo Jai)















