-- Advertisements --
Natapos na ang dalawang araw na pagbisita ni US President Donald Trump sa United Kingdom.
Sa huling araw ni Trump ay nakapulong niya si British Prime Minister Keir Starmer sinabi ng US President na tunay nitong kaibigan ng United Kingdom.
Itinuturing din ni Trump na kasabay ng US ang UK sa pagbibigay ng mga makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng pagpirma ng technology properity deal.
Ilan sa mga tinalakay ng dalawang lider ay ang tuluyang pagtigil ng giyera ng Russia sa Ukraine ganun din sa Israel sa Hamas.
Ipinakita rin ni Trump ang kahandaan nitong alisin ang suporta sa Israel dahil sa giyera nito Gaza at sumama na rin ang US sa ilang mga bansa na nagkokondina sa giyera sa Gaza.