-- Advertisements --

Laman ngayon sa social media ang caption na “Trump is Dead”, bagamat wala pang pahayag dito ang White House.

Nagsimulang mag-trending ito sa internet matapos na ilang araw na hindi nakita sa publiko si US President Donald Trump.

Huling nakitang humarap sa publiko si Trump noong Agosto 26 nang pangunahan niya ang isang televised cabinet meeting.

Simula noon hindi na siya dumalo sa anumang public events na nagpalakas pa ng concern sa kaniyang kinaroroonan. Wala din siyang public events ng Sabado at Linggo

Sa kabila nito, nananatiling aktibo ang Republican leader sa kaniyang social media platform na Truth Social kung saan nag-post ito nitong umaga ng Sabado at binatikos niya ang US court sa desisyon nito kaugnay sa kaniyang ipinataw na mga taripa.

Muli ding naungkat ang isyu sa kalusugan ng 79 anyos na si Trump matapos mapansin kamakailan ang pasa sa kaniyang kanang kamay, na nag-viral din sa social media.

Iniuugnay din ang pagkawala ni Trump sa mata ng publiko sa kamakailang pahayag ni US Vice President JD Vance noong Agosto 27 na handa siyang mag-assume bilang pangulo sakaling may mangyaring “terrible tragedy” subalit iginiit niyang “fit at energetic” pa rin ang US President bagamat hindi aniya maisasantabi ang hindi inaasahang mga pangyayari.

May ilan namang inungkat ang prediksiyon ng The Simpsons creator na si Matt Groening sa San Diego Comic-Con noong Hulyo kaugnay sa umano’y pagkamatay ni Trump.

“No, there’s no end in sight. We’re going to keep going. We’re going to go until somebody dies,” “When you-know-who dies, The Simpsons predicts that there will be dancing in the streets. Except President (J.D.) Vance will ban dancing.”, saad ni Groening.

Ang naturang palabas ay may mahabang kasaysayan ng nakakakilabot subalit tumpak na mga hula kay Trump mula sa kaniyang pagkapanalo sa halalan noong 2000 hanggang sa isang re-election na stroyline noong 2015.

Hindi naman ito ang unang pahkakataon ng may kumalata na fake report hinggil sa pagkamatay ni Trump. Noong Setyembre 2023 nang ma-hack ang X account ng kaniyang anak na si Trump Jr., ginamit ng hacker ang account at nagpost ng fake message na nagaanunsiyo ng pagkamatay ni Donald Trump, na agad namang niyang pinabulaanan noon at tiniyak sa kaniyang mga tagasuporta na siya ay buhay.