-- Advertisements --

Kasabay nang pagpalo ng 100,000 coronavirus deaths sa Amerika, nananawagan si US President Donald Trump sa lahat ng state governors na payagan na muling magbukas ang mga simbahan, mosque at kahit anong uri ng worship locations.

Ito’y sa kabila ng inilabas na bagong guideline ng Centers for Disease Control and Prevention kung saan may suhestyon ito sa hakbang na maaaring gawin ng mga simbahan para hindi kumalat ang coronavirus.

Ayon kay Trump, hindi raw patas para sa simbahan na hindi ito payagan na muling tumanggap ng mga sasamba matapos ituring na “essential” ng mga state governors ang liquor stores at abortion clinics.

Tinakot din nito ang mga state governors na handa umano itong i-override o balewalain ang mga ito kung hindi sila susunod sa nais nitong mangyari.

“In America, we need more prayer, not less,” saad ni Trump.