Binatikos ni US President Donald Trump ang kaniyang coronavirus coordinator na si Dr. Deborah Birx dahil sa pagbibigay nito ng alarma sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa US.
Sinabi ng US President naging “pathetic” lamang si Birx sa kaniyang mga data.
May kaugnayan ito sa paglabas ni Birx ng datus na posibleng abutin ng 155,000 ang mamamatay mula sa COVID-19.
Dagdag naman ni Trump,kaya ipinahayag ni Birx ang nasabing datus dahil sa ginawang pagpuna ng Democratic speaker na si Nancy Pelosi.
Sa naging panayam kasi kay Pelosi ay inakusahan nito si Trump na dinodoktor lamang nito ang mga impormasyon tungkol sa pagkalat ng coronavirus.
“So Crazy Nancy Pelosi said horrible things about Dr. Deborah Birx, going after her because she was too positive on the very good job we are doing on combatting the China Virus, including Vaccines & Therapeutics. In order to counter Nancy, Deborah took the bait & hit us. Pathetic!” bahagi pa ng sulat ni Trump.
Pero nang kapanayamin si Trump ay umiwas na ito sabay papuri kay Birx.