Ibinabala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical cyclone wind signal number 1 sa ilang bahagi ng bansa nitong araw ng Huwebes, Enero 15, dahil sa epekto ng Tropical Storm Ada.
Batay sa weather forecast ng PAGASA, tinatahak ngayon ng bagyo ang silangang bahagi ng Surigao City, Surigao del Norte, taglay ang maximum sustained winds na 65 kilometro km/h malapit sa sentro, at pagbugso hanggang 80 km/h, habang kumikilos ito pa-Northwestward sa bilis na 15 km/h at may malalakas na hanging umaabot hanggang 400 kilometro mula sa sentro.
Pinayuhan ang mga residente sa mga sumusunod na lugar na maghanda sa malakas na hangin sa loob ng susunod na 36 oras:
Luzon:
- The eastern portion of Camarines Sur
- Sorsogon
- The southeastern portion of Albay
Visayas:
- Northern Samar
- Samar
- Eastern Samar,
- The eastern portion of Biliran
- The eastern portion of Leyte
- The eastern portion of Southern Leyte
Mindanao:
- Dinagat Islands
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
Ayon sa state weather bureau, makakaapekto naman ang northeast monsoon at peripheral effects dahil sa TS Ada, at asahan na aniya na magkaroon ng gale-force, lalo na sa mga baybaying-dagat at kabundukan.
Inaasahan din ng weather bureau na unti-unting lalakas ang bagyo habang kumikilos sa Philippine Sea sa susunod na 48 oras, bago unti-unting humina at lumiko patungong hilagang-silangan ng Catanduanes.
Ibinabala sa publiko na isagawa ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian at sumunod sa mga utos ng lokal na opisyal, kabilang ang posibilidad ng paglilikas.
















