Binitbit ni Russell Westbrook gamit ang kanyang triple-double performance upang tulungan ang Washington Wizards na tambakan ang Oklahoma City Thunder, 129-109.
Sa pagbalik ni Westbrook sa Oklahoma ang siya namang nagbigay sa ika-pitong sunod na panalo ng Wizards.
Nagtala si Westbrook ng 37 points, 11 rebounds at 11 assists para sa kanyang ika-apat din na sunod na triple-double laban sa dati niyang team.
Ito na ang ika-28 triple-doubles ni Russell ngayong season.
Sa ngayon hawak na ng Wizards ang 26-33 record, habang nasadlak naman sa 20-40 ang Thunder.
Malaking tulong din ang ginawa ni Bradley Beal na nagdagdag ng 33 points para sa Wizards.
Bago ang game pumapangalawa si Beal kay Golden State Warriors main man Stephen Curry pagdating sa league scoring lead.
Samantala sa Thunder naman, natikman nila ang ika-13th magkasunod na talo.