-- Advertisements --

Handang sumailalim sa imbestigasyon si Senator Joel Villanueva sa alegasyon na kumita ito ng P150 milyon mula sa flood control projects sa Bulacan.

Kasunod ito sa naging paratang sa kaniya ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara na kumita ang senador sa mga flood control projects sa Bulacan.

Sinabi ng Senador na para lumabas ang katotohanan ay bukas itong magpa-imbestiga.

Nadamay ang pangalan ni Villanueva sa flood control project dahil umano sa text conversation.

Sinisiguro ng Senador na mali ang alegasyon laban sa kaniya kapag sinimulan ang imbestigasyon.