-- Advertisements --

Hinikayat ni US President Donald Trump ang mga bansang miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) na pagbagsakin ang mga eroplano ng Russia na pumapasok sa kanilang airspace.

Sinabi nito na depende rin sa sirkumstansya lalo na at banta na ito sa kanilang bansa.

Magugunitang inireklamo ng ilang mga bansa ang pagpasok ng mga eroplano ng Russia sa kanilang himpapawid ng walang paalam.

Habang sa Poland naman ay ilang mga drones ng Russia ang kanilang pinabagsak dahil sa pagdaan sa kanilang himpapawdi ng walang paalam.