-- Advertisements --
Naisumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang kanilang initial findings ukol sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, na kahit na natapos na ang unang round imbestigasyon ay nasa DOJ pa rin ang tutukoy kung anong kaso ang kanilang isasampa.
Mayroong taskforce na rin ang DOJ na binuo para suriin mabuti ang findings ng NBI.
Isa sa mga imbestigasyon ay mayroong mga kumpanya na magkakaiba ang pangalan subalit iisa ang kanilang address.