Plano ni dating Senator Antonio Trillanes IV na ihain muli ang kasong plunder laban kina dating Pang. Rodrigo Duterte at Senator Christopher Go ukol sa kontrobersyal na frigate deal.
Agosto-7, 2024 noong huling inihain ni Trillanes ang plunder complaint laban sa dating pangulo, Sen. Go, dating Department of Budget and Management (DBM) undersecretary Lloyd Christopher Lao, at siyam na iba pa, na umano’y nakinabang sa P16 billion Philippine Navy Frigate Acquisition project na nai-award noong 2016.
Inakusahan noon ni Trillanes ang grupo ng dating pangulo na naki-alam sa plano ng Phil. Navy at tuluyang pinaboran ang isang private contractor upang kumita sa naturang proyekto.
Paliwanag ni Trillanes, inihain niya ito noon sa Department of Justice para sana sa case build up ngunit aniya gaanong umusad.
Sa pagkakataong ito, plano ng dating senador na ihain ito na ito sa Office of the Ombudsman, lalo at bago na ang nakaupong pinuno ng naturang opisina.
Giit ni Trillanes, kumpleto na ang kaniyang ebidensiya at dokumento sa naturang kaso, mula noong inihain niya ito.
Maari lamang aniyang balikan at ayusin ang lahat ng mga dokumento na magagamit sa muling paghahain ng kaso.
Kahapon (Oct. 21) ay naghain din si Trillanes ng kaso laban kina Sen. Go at dating Pang. Duterte dahil sa umano’y bilyon-bilyong halaga ng kontrata na napunta sa contracting firm na pag-aari ng pamilya Go.
Ayon kay Trillanes, posibleng ginamit ni Go at ng dating pangulo ang kanilang posisyon para impluwensiyahan ang ilang transaksyon na pinasaok ng naturang kumpaniya.
Una na ring itinanggi ni Sen. Go ang alegasyon ng dating senador.