Agad dumiretso sa Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) si dating Sen. Antonio Trillanes IV para magpiyansa, matapos lumapag kaninang pasado alas-8:00 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kasunod pa rin ito ng warrant of arrest na inilabas ng QC-MTC si dating Sen. Antonio Trillanes IV at 10 Iba pa na una nang kinasuhan ng ng Department of Justice (DoJ) dahil sa kasong conspiracy to commit sedition.

-- Advertisement --

Pero sa kanyang pagdating sa NAIA, hindi inaresto si Trillanes ng National Bureau of Investigation (NBI)-NAIA dahil wala silang kopya ng warrant of arrest laban sa dating senador.

Inilabas ang arrest warrant ng QC-MTC Branch 138 laban kina Trillanes, Peter Jomel Advincula alyas Bikoy na itinuturong nasa likod ng Ang totoong Narcolist videos.

Sina Trillanes at 10 iba pa na inaakusahang nagsabwatan sa pagawa ng serye ng mga videos na nag-uugnay sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito sa illegal drug trade.