Macau Skyline
Macau skyline (Wiki photo)

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na partially lifted na ang travel ban ng pamahalaan sa Macau at Hong Kong.

Ito ang inanunsyo ni Sec. Panelo sa matapos makausap si Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay Panelo, nagdesisyon ang Inter-agency Task Force na magpatupad na ng partial lifting matapos ang isinagawang pagpupulong kung saan tinalakay ang lifting ng ban.

Sa mga OFW na babalik na sa kanilang trabaho, kailangang magkaroon lamang ng mga ito ng written declaration na alam nila ang risk ng kanilang pagbalik doon.

Sa mga Pinoy at pamilya ng mga ito na nasa Macau at Hong Kong gayundin ang mga miyembro ng diplomatic corps na nais umuwi sa Pilipinas ay papayagan ding makabalk sa bansa.

Sinabi ng kalihim na nagdesisyon ang pamahalaan sa partial lifting ng ban dahil na rin sa panawagan ng marami nating kababayan lalo na ng mga apektadong OFWs.