Suspendido muna ang pagpapalabas ng Travel Authority ng PNP patungong Negros Occidental, kaya walang mga Locally Stranded Individual (LSI’s) ang papayagang bumiyahe hanggang sa Biyernes, October 9,2020.
Dahilan ng pagsuspindi ng pag isyu ng travel authority ay dahil sa mataas na kaso ng COVID 19 sa nasabing lugar.
Ayon sa PNP Public Information Office, ang nasabing kautusan ay mula mismo kay PNP Chief P/Gen. Camilo Cascolan batay sa inilabas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Western Visayas na nagsusupinde sa pagbiyahe ng LSI’s mula Oktubre 3 hanggang Oktubre 9.
Dahil dito, pinakikilos na agad ng Directorate for Operations ang Police Regional Office 6 sa Western Visayas, PNP Aviation Security Group gayundin ang PNP Maritime Group na ipatupad ang nasabing kautusan.