Hihirit agad ng P11.00 na minimum fare ang mga transport group sa pagpasok ng taong 2020.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa bansa.

Mayroon kasing nakaambang P1.50 kada litro ang itataas sa Enero 1 dahil sa tax reform law.

Dagdag pa ng ilang mga transport group, na maaaring pumalo pa ito ng hanggang P12.00 kapag umabot pa ng P49.00 ang presyo ng kada litro ng krudo.