-- Advertisements --

Magkakasa ng isang protest caravan ang ilang transport group bilang pagkontra sa ipinapatupad na No Contact apprehension Policy.

Gaganapin ang protest caravan sa araw ng Lunes, Hunyo 2, 2025.

Pangungunahan ito ng mga grupo ng pampasaherong sasakyan at mga miyembro ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Giit kasi ng mga transport group na tila ginagatasan sila ng gobyerno dahil sa pagpapatupad ng NCAP.