-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 20 18 28 14 58

Siniguro ngayon ng Alliance of Concern Transport Organization (ACTO) na susunoa ang mga ito sa minimum health protocol kapag tuluyan na silang payagang mamasada kasunod na rin ng pagpayag ng Malakanyang na makabiyahe na itong mga modernong uri ng pampublikong sasakyan sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay ACTO National President Efren de Luna, sinabi nitong umaasa silang sa loob ng tatlong araw o hanggang as katapusan na buwan ay papayagan na rin makapasada ang mga tradisyunal na jeep hindi lang dito sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Aniya, kung ano man ang health protocol na ipinatutupad ng mga moderong jeepney ay kaya naman daw nila itong sundin.

Giit niya, kailangan ding pumasada ang mga tradisyunal na jeep lalo na’t kailangan din ng pagkakakitaan ng kanilang mga drivers.

Maliban dito, may mga ruta raw na hindi dadaanan ng mga modernong jeep na dinadaanan na dati pa ng mga tradisyunal na jeep.