-- Advertisements --

Inilaan ni Pope Francis ang malaking bahagi ng kanyang traditional Christmas message para mag-reflect sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at ang epekto nito sa relasyon ng mga tao.

Sa pagharap nito sa balcony ng St. Peter’s Square sa Vatican, tinawag ng Pontiff ang pandemic na isang “complex crisis” na naging hamon sa social relationships at napataas nito ang tendencies ng withdrawal.

“Our capacity for social relationships is sorely tired. There is a growing tendency to withdraw, to do it all by ourselves, to stop making an effort to encounter others and do things together,” anang Santo Papa sa mga taong nasa square maging sa mga deboto na nanonood sa kanyang address sa buong mundo.

Sa ikalawang Pasko ay apektado pa rin ng pandemic ang traditional “Urbi et Orbi” o “To the City and the World” Christmas address ng Santo Papa.

Pero hindi gaya noong 2020, ang mga tao ay nakadalo na sa square para pakinggan ang kanyang traditional message ngayong taon.

Kung maalala noong nakaraang taon, imbes sa balcony isagawa ng Pope ang kanyang address ay isinagawa na lamang ito sa Apostolic Palace dahil hindi pa rin pinapayagan noon na pumunta sa square para makinig ang mga deboto.

Gayunman, nasa limang beses naman umanong mas marami ang bilang ng mga dumadalo noong wala pang pandemic kumpara ngayong taon dahil na rin sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Italy.

Ang naturang bansa ay nakapagtala ng record-breaking 50,599 na bagong kaso ng nakamamatay na virus noong Biyernes.

Dagdag ni Santo Papa sa kanyang “Urbi et Orbi,” naapektuhan din ng pandemic ang dialogue na may kaugnayan sa international conflict.

“Sisters and brothers, what would our world be like without the patient dialogue of the many generous persons who keep families and communities together? In this time of the pandemic, we have come to realize this more and more,” dagdag ng Santo Papa.

Hiniling din nito sa lahat ng tao sa buong mundo na buksan ang kanilang mga puso para siguruhing magkaroon ng medical care partikular na ang bakuna sa nakamamatay na virus para sa mga vulnerable sectors.

“God-with-us, grant health to the infirm and inspire all men and women of good will to seek the best ways possible to overcome the current health crisis and its effects. Open hearts to ensure that necessary medical care — and vaccines in particular — are provided to those peoples who need them most. Repay those who generously devote themselves to caring for family members, the sick and the most vulnerable in our midst,” ayon pa kay Pope Francis.

Nanawagan din itong tuldukan na ang hidwaan sa Middle East at Africa maging sa Syria, Yemen, Iraq, Lebanon, Sudan at Ethiopia.

Hindi na rin pinalampas ng 85-year-old pontiff sa kanyang Christmas message ang panawagang masolusyunan ang violence against women na umano’y lumaganap sa panahon ng pandemic.

Naging highlight din sa ika-siyam na Christmas message ng pontiff ang kalagayan ng mga refugees at migrants.