-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Tourism na nalagpasan na nila ang kanilang year-end target na tourist arrvivals.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na mayroon ng 5.070 milyon ang naitalang international visitors na malinaw na nalagpasan ang 4.8-M na target ngayong taon.
Sa nasabing bilang ay nagdala ito ng P439.5 bilyon na kita ng gobyerno.
Karamihan o 91.88 percent na mga tourist arrvial ay mga dayuhan na katumbas ng mahigit 4.6-milyon na turista habang ang natitira ay mga oversease Filipinos.
Nanguna ang South Korea sa dami ng mga bumisita na pumangalawa ang US, habang pangatlo ang Japan at pang-apat nang mga taga-China.