-- Advertisements --
frasco

Naghain ng mahigit isang linggong leave of absence si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco.

Sa gitna ito ng usapin ukol sa slogan at promotional video na inilabas ng ahensya na kuha sa ibang mga bansa.

Mag-uumpisa ang kaniyang pagliban sa Hulyo 13, 2023 at maqgtatapos sa Hulyo 21, 2023.

Pero sa inisyal na impormasyon, dati na raw itong naka-schedule, bago pa man ang kontrobersiya sa tourism campaign ng kanilang kagawaran.

Tiniyak din ng kampo ng kalihim na dadalo ito sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24, 2023.

Sa hiwalay na pahayag, iginiit naman ni Pangulong Marcos na nananatili ang kaniyang tiwala sa pinuno ng DOT.