-- Advertisements --

Inamin ni Labor Sec. Silvestre Bello III na nananatili ang posibilidad na umabot sa total deployment ban ang ipatutupad sa Kuwait dahil sa panibagong pagpatay sa kababayan nating si Jeanelyn Villavende.

Ayon kay Bello, maraming kaakibat na konsiderasyon sa paglalabas nila mamaya ng kopya ng memorandum ukol sa partial deployment ban.

Isinaalang-alang umano rito ang trabaho ng iba pang manggagawa at ang magiging tugon ng Kuwaiti government sa hakbang ng Pilipinas.

Sakop ngayon ng ban ang mga baguhang manggagawa para sa naturang bansa, habang ang mga may umiiral nang kontrata ay hindi maaapektuhan.