-- Advertisements --

samar1

Patay ang Front Secretary ng New Peoples Army (NPA) sa Northern Samar matapos makasagupa ng mga tropa ng 803rd Infantry Brigade ang nasa 60 NPA members sa serye ng operasyon ng militar sa KM14, Brgy Happy Valley San Isidro,Northern Samar.


Nakubkob din ng militar ang main camp ng komunistang grupo.

Ayon kay Captain Jonathan Mayonon, Civil Military Officer ng 803rd Infantry Brigade, limang araw ang ikinasang operasyon ng militar kung saan nuong December 21 operation napatay ang Front Secretary ng komunistang grupo na nakilalang si alyas Apple at alyas Nadie ang Secretray ng Front Committee 2 at commander ng Front Guerilla Unit.

Nitong December 22, nahuli naman ng militar ang isa pang NPA member na si Jonas Dela Torre alyas Junel sa encounter site sa Northern Samar at nakuha sa kaniyang posisyon ang kanyang AK-47 rifle.

Sa ulat ni 803rd Infantry Brigade Commander Col. Lowell Tan kay JTF Storm Commander, MGen Pio Dinoso limang high-powered firearms at mga explosives ang narekober ng mga tropa.

Kabilang sa mga nakumpiskang armas ay ang 1-M16, 1-M14, 1 KG9, 1-38 revolver, 1 shotgun at 1 AK47.

Pinaniniwalaang, maraming casualties sa hanay ng NPA sa serye ng enkwentro dahil sa mga bakas ng dugo na nakita sa encounter site.

Kaya panawagan ng militar sa lugar na handa ang militar na tulungan ang mga sugatang NPA members para sila ay ipagamot.

Sa kabila naman ng maigting na pagtugis sa NPA nanawagan pa rin si Mayonon sa mga NPA na sumuko na lamang para makapag bagong buhay at makasama ang kanilang pamilya lalo na ngayong panahon ng pasko.

Pinuri naman ni AFP Central Command Lt. Gen. Roberto Ancan ang 8th ID stormtroopers sa matagumpay na operasyon.

Umapela din si Ancan sa mga NPA na sumuko para makapiling ang kanilang mga pamilya ngayong pasko.