BEIJING – Muling nagpulong ang mga matataas na military officials ng North korea at China para palakasin ang kanilang relasyon.

Ang pagpupulong na ito na ginanap kahapon ay nabuo matapos na pangunahan ni North Korean leader Kim Jong Un ang test-firing ng isang hindi pa natutukoy na bagong armas, na nakikita bilang tangka para i-pressure ang Washington at Seoul sa nuclear negotiations at joint military exercises.

Batay sa ulat ng Xinhua News agency, kabilang sa mga dumalo sa naturang pagpupulong ay sina Zhang Youxia, ang vice chairman ng Central Military Commission at Kim Su Kil, directorng General Political Bureau of the Korean People’s Army.

Sinabi ni Zhang na nais ng military ng China ng isang magandang komunikasyon para isulong ang kooperasyon at mutual support ng dalawang bansa.

Ito ay para rin aniya lalo pang mapabuti ang bilateral relations at kanilang regional peace at stability.